Sunday, 12 August 2012

KWENTO NI JIMBOY (Part 15)



Balik sa Maynila ng Lunes. Balik muli sa pag-aaral sa kolehiyo. Napamahal na sa akin ang init ng Kamaynilaan. Ang maingay at magulong daigdig ng Quiapo at ng Recto kung saan ako nag-aaral sa pamantasan. Dahil sa malapit ang San Miguel sa university belt ay maraming mga boarding houses dito. Halos lahat ng mga kalapit-bahay ni tito Lando ay may pinapaupahang silid para sa mga estudyante. Suwerte nga ako na kakilala ng erpat ko si tito Lando dahil tahimik at tiwasay ang compound nila.

Lagi pa rin sa isipan ko ang nangyari noong birthday ko sa Pasig. Ang pagsilip ko sa pagtatalik nina tito Gener at Erych. SI ERYCH na aking barkada, aking kaklase, aking secret admirer ha ha. Nag-iba na nga ang aking paningin sa kanya. Kung noong una ay ayaw kong may mangyari sa aming sexual, ngayon naman ay gustong-gusto ko na na may mangyari sa amin. Laging nasa isip ko ang hugis ng katawan ni Erych. Ang titi niyang matigas na matigas habang sinususo ito ni tito Gener sa loob ng guest room noong nakaraang Sabado.

Pumasok ako sa klase ngunit wala si Erych. Absent siya ngayong araw. Si Liza at Daphne ang kasama ko sa maghapon. Nagpalitan kami noon ng cellphone number kaya naka-save ang number niya sa akin. Tinext ko siya at kinumusta.

Jimboy: Musta na? Bat ka absent? :)

Nagtext back siya makalipas ng isang minuto…

Erych: Masama pakiramdam ko. Lagnat. Ubo. Sipon.

Jimboy: Pagaling ka.

Text back kaagad.

Erych: Paano na report natin. Mag-isa ka nang magre-report ha ha ha!

Jimboy: Tangina naman e… di ko kaya… ikaw ang magaling sa reporting, paano na pag may tanong?

Erych: Bahala ka na ha ha…

Jimboy: Nag-enjoy kb noong bday ko?

Erych: O naman.


OO NAMAN? He he he. Iyan lang ba ang kaya niyang sabihin? Eh kitang-kita ko na talagang nag-enjoy siya ng todo. Siyempre hindi alam ni Erych na nasilipan ko sila noong Sabado.

Jimboy: Sige ingats. Boring dito sa klase.

Erych: Jan naman si Liza at Daphne. Kita kits na lang pag magaling na ako…

Tinawag ako ng guro. Hindi ko naintindihan ang kanyang tanong. Busy ako sa pagte-text kay Erych. Bigla kong itinago ang cellphone sa bulsa ng aking polo. Lumapit ang guro at inulit ang tanong. Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko alam ang sagot. Lumingon ako kay Liza, namumula ang aking pisngi. May nag-uumpisang ngiti sa labi ni Liza.

“Pwede paki-off lahat ng cellphone ‘pag nasa classroom…” babala ng guro. 

Lumayo siya sa akin at bumalik sa pisara.

Tinginan ang ibang mga kaklase. He he he. Ngumisi na lang ako upang takpan ang aking kahihiyan.

Pagkatapos ng pangalawang subject, inilabas ko muli ang aking cellphone. Naka-mute. Pero naka-on ang vibrate mode nito. ‘Di ko namalayang dalawa na pala ang text ni Erych sa akin.

Erych: Uy musta na jan? Cguro bukas pasok nako, pahinga lang 2day

Erych: Txt bk naman jan…

Tumingin ako sa sumunod na guro. ‘Di siya istrikto tulad ng nauna. Nag-text ako ng mabilis.

Jimboy: Pagaling ka na pra may ksama ako sa report

Erych: Uu

Nag-text pa ng joke si Erych. Ang corny ng joke. Finorward ko kay Liza ang joke. Ngumingisi. Ano ba ‘yan? Ang corny ng joke ha ha ha. Pero natawa na rin ako.

Umuwi ako sa boarding house nang mag-lunch break. Tulad ng mga nakaraang linggo ay may tatlong oras pa ang pagitan bago ang sumunod na subject. 

Pwedeng magpahinga na lang ako o ‘di kaya’y maglakad papuntang Recto at manood na naman ng sine.

Kumatok sa pinto si Manuel. Nagyayayang mag-basketball sa court sa gitna ng compound. 

“Sandali lang,” sabi ko.

Nagpalit ako ng sando at shorts. Kung papawisan man ako may panahon pa akong maligo bago bumalik muli sa klase.

Naglaro kami ng basketball ni Manuel nang halos isang oras. Magaling sa free throw si Manuel. Palaging swak ang bola. Mas mabilis akong mag-dribble sa kanya at naaagaw ko naman ang bola mula sa kanya. Nakita naming dumaan si Joel papasok sa klase. Sabi niya, laro daw kami ‘pag may oras siya.
Pagkatapos kami maglaro ng bola, nagpahinga kami sa harap ng compound, nakaupo sa may bangketa. Madaming mga estudyante ang mga dumadaan, naka-uniporme ng puti. Nursing malamang ang kinukuhang kurso.

Bumili ng dalawang bote ng Pop si Manuel. Nilibre niya ako. Minamasdan ko ang mukha ni Manuel. May ilang tigwayat siya sa mukha. May balbas na manipis. Inaahit niya ang kanyang bigote. May hawig kay tito Lando sa mata at hugis ng mukha. Tahimik na inuubos niya ang bote ng Pop nakatingin sa mga dumadaang tricycle sa kalye.

“San na pala ang kuya mo?” tanong ko sa kanya.

“Ha?” parang wala siya sa mundo.

“Nasa Marikina sa bahay ng pamilya ng asawa niya,” sagot niya.

‘Di ko pa nakikilala ang nakatatandang kapatid ni Manuel. Nakita ko lang noon ang larawan nilang mag-anak sa picture frame sa kanilang sala.

“Lagi ngang nag-aaway ang mag-asawa eh,” dagdag pa ni Manuel.

Naririnig daw ni Manuel na pinag-uusapan palagi ng kanilang mga magulang ang sitwasyon nilang mag-asawa. Selosa daw ang asawa ni kuya Vic. Victor ang buong pangalan ng nakatatandang kapatid ni Manuel. May hawig din ang kanilang hitsura. Mas matanda ng anim na taon si kuya Vic kay Manuel.

“Makikilala mo din ‘yon. Nauwi ‘yon madalas kapag ‘di sila nagkakaintindihan ng asawa niya,” kwento pa niya sa akin.

Bigla na siyang tumayo at tinulungan pa niya ako mula sa aking inuupuan sa bangketa. Malakas ang bisig ni Manuel nang hinila niya ako papaitaas.

“Laro tayo ng computer sa bahay,” anyaya niya.

“May pasok pa ako mamaya,” sabi ko.

Naisip kong absent si Erych ngayon sa klase. Parang gusto ko na rin mag-absent. Masubukan ngang mag-absent, sabi ko sa aking sarili. Tumutubo na naman ang aking sungay sa mga sandaling ito.

“Mamaya na lang,” tanggi ko. 

Nagpalit kaagad ang aking desisyon. Naisip ko na malapit lang naman ang paaralan at isa’t kalahating oras lang naman ang susunod na klase. Kaya naligo na ako, nagbihis at bumalik muli sa unibersidad.

Nagyaya akong mag-meryenda kasama si Liza at Daphne kinahapunan pagkatapos ng klase. Hinanap ko pa sila sa ibang classroom dahil magkaka-iba ngayon ang pinapasukan naming subjects. Medyo malungkot ako na wala si Erych na nagbibigay ng saya sa araw. 

Kinabukasan ay absent pa rin si Erych. Natuluyan na yatang ma-trangkaso. Nag-text ako sa kanya ngunit isang oras pa bago siya sumagot.

Jimboy: Oi, msta na?

Erych: May ubo pa rin, musta n?

Jimboy: Langya namn e, report na tyo sa Fri, pgaling kna…

Erych: Uu

Jimboy: Uu ka jan ha ha :P

Erych: Miss u :P

HA? MISS U? Nagulat ako sa huling text ni Erych. Crush nga yata talaga ako ni Erych. ‘Di ko alam ang isasagot ko sa kanya. ‘Di ako makaisip ng ite-text back sa kanya.

Nang wala na siyang mahintay na text sa akin ay ‘di na rin siya nag-text muli. Umuwi na rin ako sa boarding house sa San Miguel.

Miyerkules. Absent pa rin si Erych. Ngayon wala na siyang text sa akin maghapon. Nahihiya na yata siya dahil sa huli niyang text sa akin. Ako naman, ‘di ko alam umpisahan ang ite-text sa kanya. Oo nga, sabi ko sa aking sarili. Kung magiging ganito kami ni Erych ay tiyak na magkakahiyaan kami. Paano pa kaya kung may mangyari na sa aming sexual? Hindi yata ako handang maging komportable na harapin si Erych kung may magaganap sa aming dalawa. Pinilit kong alisin ito sa aking isipan. Bago ako natulog ay nagjakol muli ako at ang ari ni Erych ang aking ini-imagine.

Huwebes. Pumasok na sa klase si Erych. Biglang sumaya na naman ang aming barkadahan dahil sa dala niyang sigla at ngiti. Wala na siyang ubo. Mukhang malusog at malakas na naman siya. Mukhang naubos ang kanyang lakas nang natulog siya noong Sabado sa aming bahay ha ha ha, sabi ko sa aking sarili. Tamang-tama lang na pumasok siya dahil malapit na kami mag-report sa harap ng klase. 

Pagdating ng Biyernes, mataas na marka ang ibinigay sa amin ng instructor dahil magaling sa reporting si Erych. Hinanga pa ng guro ang pagkakagawa ng written report. Kay swerte ko naman na naging partner si Erych.

“Tara celebrate tayo tutal Biyernes naman, bago ako umuwi ng Pasig,” anyaya ko.

“Megamall tayo,” sabi niya.

“’Di ka kaya mapapalayo sa inyo?” tanong ko. 

Malapit na lang ang Pasig sa Megamall ngunit mapapalayo naman ang uwi niya dahil sa Banawe sa Quezon City pa siya.

“Eh kung sa SM North Edsa naman tayo, ikaw naman ang mapapalayo,” ganti niya sa akin.

“Kung patutuluyin mo ba ako sa inyo eh ako naman ang mago-overnight sa inyo,” halos ‘di ako makapaniwala sa aking sinabi.

Sumagot kaagad si Erych. 

“Oo ba…” sabay bangga ng kanyang malapad na katawan sa akin.

Maski na ngayon ay malambot kumilos si Erych. Minsan exaggerated ang galaw. ‘Di naman kumekendeng kapag naglalakad. Sa taas niyang 6” ay aaminin ko sa sarili na tunay ngang mala-Adonis ang katawan. 

“O baka titilamsik na naman ang daliri mo,” babala ko.

“Ha ha,” pangiti niyang sagot. Ngumiti siya. Sabay suntok sa aking braso.

Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng maong na suot habang naglalakad. Naglakad kami patungong Morayta upang mag-abang ng masasakyang FX papuntang North EDSA. Magkatabi kami sa gitna ng FX. Medyo masikip. Ramdam na ramdam ko ang paghinga ni Erych. Nagte-text ako upang kalimutan ang pagdidikit ng aming katawan. Nagpaalam ako sa bahay na uuwi na lang bukas sa Pasig dahil may dadaluhang birthday party. 

Nakatulog ako sa loob ng FX sa kalahating bahagi ng biyahe. Sobrang traffic sa may Quezon Avenue hanggang sa West Avenue. Sabi ni Erych na pag-uwi namin mamayang gabi sa bahay nila ay bibilis na ang daloy ng trapiko.

Umikot-ikot kami sa SM North EDSA, dumaan sa Sky Garden, pumili ng medyo sosyal na lugar kung saan iinom muna ng beer. ‘Di naniningarilyo si Erych. Sabi niya, gusto niyang mabango palagi ang kanyang hininga. Uminom kami ng tig-iisang malamig na San Miguel Lights habang nagku-kwentuhan tungkol sa klase. Naghati kami sa bayad ng bill. Bumalik muli kami sa loob ng mall at bumili ng ticket upang manood ng sine. Dahil sa isa’t kalahating oras pa ang hihintayin bago ang showing ng pelikula ay kumain muna kami sa Food Court. Sa bawat gastos ay naghahati kami. Kanya-kanya din kami ng bayad sa sine at pamasahe.

Nang pumasok na kami sa sine ay bumili pa siya ng butter popcorn. Napakabango ng pasilyo patungo sa loob mga sinehan dahil sa amoy ng popcorn dito. Nakakatuwa ang pelikula na aming pinanood. English movie na pinagbibidahan ni Adam Sandler. 

Sa isip-isip ko habang nanonood kami ni Erych, parang first date namin ito. ‘Di kaya nagtataka ang mga tao kapag nakikita kaming magkasama ni Erych? 
Pagkakamalan kaya akong binabae? May makakapag-isip kaya na magkasintahan kami? O iisipin kaya nila na ako ay pumapatol sa isang ano? Ang daming mga katanungan sa loob ng aking isipan.

“Popcorn oh,” inalok niya ang malaking box ng malutong na popcorn.

Nakatitig siya sa pelikula. Mukhang nagko-concentrate sa pinapanood. Kumuha ako ng konti at kinain ito.

Hindi nagdidikit ang aming mga siko maski na magkatabi kami sa loob ng sine. Mas mabuti na rin ito para hindi namin maramdaman ang paghinga ng isa’t isa. Kung alam lang ni Erych, sobrang tigas ang aking titi sa loob ng aking maong sa mga panahong ito. Nahihiya akong magkambyo baka mapansin ni Erych. Hinayaan ko na lang na manigas ang ari ko sa kabila ng mga nahihilang bulbol gawa ng pagtigas nito sa loob ng aking brief.

Mga alas-diyes na nang lumabas kami sa SM North EDSA. Nag-abang muli ng FX na pauwi sa bahay nila sa Banawe. Malapit daw sila sa ospital ng Ortho.

“Mag-snack na lang tayo sa bahay ‘pag gutom ka pa,” sabi niya.

“Oo maski sandwich lang bago matulog ha ha, matakaw ba ako?”

“Mas matakaw ako sa iyo, tingnan mo nga katawan ko, mas malapad sa iyo.”

Sabay hawak niya sa namumuong taba sa kanyang tiyan. Napangiti siya nang haplusin niya ang kanyang bilbil.

Mas matigas ang aking mga muscle sa kanya. Sa paglipas ng tatlong taon, napansin kong namumuo na nga ang mga muscle sa aking braso, dibdib at hita na nakuha ko sa regular na paglalaro ng basketball at pag-jogging. Si Erych naman ay mukhang walang ginagawa sa bahay. Mayaman ang hitsura ni Erych. May karapatang magpakatamad.

Malaki ang bahay nila Erych. Kasama niya sa bahay ang kanyang nakababatang kapatid na babae at ang kanilang magulang. May store sila sa first floor na bentahan ng mga spare parts ng mga sasakyan. Tulad ng karamihang kalakal dito sa Banawe, ang family business nila ay may kaugnayan sa mga sasakyan.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay ipinakilala niya ako sa kanyang Daddy. Gising pa at nanonood ng sports sa flat screen TV sa sala. Sabi ni Erych ay may lahi ang kanyang tatay na 1/8 na Intsik. Ngunit ang hitsura ni Erych ay pinoy na pinoy na. Mestisuhin. Matangkad. Katamtamang kayumanggi ang kutis. Mapupula ang mga labi at pisngi. Gawa ito ng malakas na lahing kayumanggi sa kanyang mother’s side na nahaluan pa ng mahinang dugo ng Kastila. Dito na sa malapit sa Siena siya lumaki. Nalaman ko ang mga ito gawa ng pakikipag-kuwentuhan ng kanyang ama sa akin.

Nasa kusina si Erych at naghahanda ng konting makakain. Tulog na ang ibang mga kasamahan sa bahay. Ang kanilang katulong naman ay nagpapahinga na rin. ‘Di na ginising ni Erych ang katulong at siya na mismo ang gumawa ng tig-iisang sandwich at dalawang baso ng lemonade.

“May guest room sa dulo, doon ka na lang matulog para komportable ka,” sabi ni Erych. 

Nang pumasok ako sa silid ay napakaluwang nito. May sarili pa itong banyo. Bumalik si Erych sa guest room upang pahiraman ako ng tsinelas, sando at lumang shorts. Nakapambahay na rin siya ngayon. Binuksan ni Erych ang TV sa loob ng guest room at nang ako ay papasok sa banyo upang mag-shower ay naghahanap siya ng channel sa TV gamit ang remote control.

Napansin kong hindi malandi ang kanyang kilos sa loob ng bahay. ‘Di tulad kapag nasa paaralan siya. Sabi niya, nahihiya daw siya sa loob ng bahay. Tanggap man siya dito ay mas kampante na nailalabas niya ang kanyang malambot na pagkatao kapag nasa labas siya ng bahay.

Lumabas ako ng banyo na basang-basa ang buhok. Nakapunas na ako ng katawan sa loob pa ng shower room. Nakaupo si Erych sa kanang bahagi ng kama. Ayaw niyang gusutin ang bedsheet sa kama.

“Kung gusto mo kwentuhan muna tayo bago ako umalis at matulog sa kwarto ko. Unless gusto mo nang magpahinga o mapag-isa,” magalang na sabi ni Erych. Medyo tumitilamsik ang daliri habang sinasabi niya ito.

“Ano bang palabas?” tanong ko.

May documentary na palabas sa GMA 7. Nag-uusap kami habang nanonood ng TV. Tumitigas ang aking pagkalalaki sa loob ng lumang shorts kaya kinuha ko ang isang unan upang itago ito. ‘Di kaya niya napapansin ang pagpatong ko ng unan sa ibabang bahagi ng aking katawan? O iniisip niyang siguro nakagawian ko lamang ito?

Mula sa side ko sa kama, nakikita ko ang anyo ng katawan ni Erych. Tumitikwas na naman ang kanyang mga daliri ha ha ha. Lumalabas ang pagkamalambot niya ngayong kasama niya ako sa loob ng kuwarto. Kanina namang naglalakad kami sa mall ay medyo kontrolado ang galaw, parang pilit niyang pinapatigas ang lakad ha ha ha.

Sumandal siya sa headrest ng kama tulad ng posisyon ko. Dagli niyang kinuha ang unan sa side ng kama niya at ipinatong din sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Sa kabila ng ihip ng aircon sa loob ng guest room ay may nananalaytay na init sa paligid. Dala ito ng mataas at mabilis na daloy ng testosterone sa pagitan naming dalawa. Tinitigasan din kaya si Erych kaya niya ipinatong ang unan? Alam ko na ang hugis ng titi ni Erych, nasilipan ko na kaya siya sa butas noon sa bahay. Nagtataka din kaya siya kung ano ang hitsura ng aking sariling sandata?

Nanonood na lang kami ngayon sa TV. Pilit nagko-concentrate sa TV sa harapan namin. Tumayo siya sandali upang abutin ang remote sa may bedside table. Buhat-buhat niya ang unan na kanyang pinangkukubli sa bandang balakang niya. Nako-conscious siya na baka mapansin ko ang tumitirik niyang pagkalalaki. Malapad ang katawan ni Erych maski na ngayong side view lamang niya ang aking nakikita.

“Iwan na kita, manood ka lang, mag-relax, matutulog na ako, medyo inaantok na ako.”

Tumayo siya at iniwan ang unan sa tabi ko. Mukhang malambot na ang kanyang ari dahil wala na akong maaninag na nakabukol sa kanyang shorts. Nahirapan kaya siyang palambutin iyon? Aaminin ko nahihirapan ako na lumambot at hanggang ngayon ay matigas pa rin ang titi ko.

“Kain ka muna ng almusal bago kita ihatid sa sakayan bukas ng umaga,” dagdag pa niya.

Tumango na lang ako at ngumiti. Gumanti siya ng ngiti at kindat na may kasama pang ‘tsk!’. Ha ha!

Nang umalis na siya ay napaisip ako ng matagal. Sa isang banda, mabuti na rin na napigil namin ang isa’t isa dahil ang kalalabasan niyan ay magkakahiyaan kami o magiging ‘di na komportable ang barkadahan. Sa kabilang banda, pwede din siguro na mas lalong lalakas pa ang samahan namin kung may kahalo itong sexual. Ewan ko ba ngunit sa kabila ng aking libog, sa kabila ng tensiyon sa pagitan namin kanina, nakalimutan kong magbate. Tinapos ko hanggang ala-una ang palabas at dinatnan ng antok pagkatapos.

Nagising ako ng madaling araw dahil napuno ang aking pantog. Naglakad ako papuntang banyo upang umihi. Halos nakapikit ang mga mata sa sobrang antok habang ako ay nagpaparaos. Ang dami kong inilabas na ihi. Paglabas ko sa banyo ay naiwan ko palang nakabukas ang TV. Pinatay ko ito gamit ang remote.

Tulog na rin kaya si Erych? Tanong ko sa sarili. Dumapa ako sa kama upang makalimutan ang sakit sa aking puson. Tumatama ang aking matigas na titi sa kutson ng kama. ‘Di ko na alam o maalala pa kung kailan pa lumambot ang aking sandata. Dinatnan ako ng tulog na matigas ang aking pagkalalaki.

-Itutuloy-







No comments:

Post a Comment