*****
Ako si Zaldy. Nagta-trabaho dito sa Gitnang Silangan. Sa lupa ng mga Arabo. Sa gitna ng mainit na disyerto. Mag-tatatlong buwan na ako ngayon dito sa Saudi. Naswertehan ko rin na pumaibang bansa dahil sa tulong ng nakatatanda kong pinsan. Pinsan ko siyang buo. Magkapatid ang aming mga ama. Si Kuya Roco. May kanya-kanya na kaming mga asawa at pamilya.
Ako ay nakapag-asawa sa maagang edad na dalawampu’t isa. May dalawa na akong anak. Isang babae na limang taong gulang at isang lalaki na sanggol pa lamang. Dala ng kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay napilitang mag-sakripisyo, mawalay sa pamilya upang kumita ng mas malaki. Ang aking maybahay ay nagta-trabaho sa isang opisina sa municipal hall ng aming bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Kinailangan kong mag-abroad upang matulungan siya sa gastos ng aming pamilya.
Si Kuya Roco ay matagal na dito sa Saudi. Mga sampung taon ang tanda niya sa akin. 37 na siya ngayon habang ako naman ay magbe-27 na sa Oktubre. Tatlo ang kanyang mga anak. Dalawang babae at bunsong lalaki. Tulad ng aking pamilya, sa bukid din umaasa ang kanilang kabuhayan. Lumaki kaming pareho sa kapatagan ng probinsiya ng Nueva Ecija. Magkakalapit lamang ang aming mga kubo sa aming baryo.
Si Kuya Roco na rin ang kasa-kasama ko sa kumpanya na aking pinapasukan. Engineering ang aking natapos. Sa isang unibersidad sa Kamaynilaan ko natapos ang kursong ito. Masasabing madami akong alam tungkol sa karunungan sa mga makina. Ito ang industriya na kinabibilangan ko ngayon. Ang kumpanya namin ay naga-assemble ng mga iba’t ibang parte ng mga traktor at maliliit na sasakyang pang-agrikultura. Si Kuya Roco naman ay nasa ibang opisina ng parehong kumpanya nagta-trabaho. Sa Accounting section siya.
Ang aming tirahan ay limang kilometro ang layo mula sa main site ng kumpanya. Lima o anim na araw sa isang linggo kami sumasakay ng shuttle bus na inilalaan lamang para sa mga empleyado ng kumpanya. Magkasama kami ni Kuya Roco sa loob ng isang medium-size na apartment na kung titingnan ay parang barracks ng mga sundalo. Sa ilalim ng double-deck na kama ako natutulog. Wala sa kasalukuyan ang gumagamit sa ikalawang baytang ng double deck. Si Kuya Roco naman ay nasa kaliwang dulo ng silid lampas ng mga cabinet at maliit na lamesa na may plastic na upuan.
Madali akong nasanay sa buhay dito sa Saudi. Nagpapasalamat ako dahil sa kasama ko ang aking pinsan. Kung ako lamang na mag-isa dito ay tiyak na mahihirapan ako. Madami na rin akong mga nakakakilalang mga kapwa pinoy dito sa aming kumpanya. Iba’t ibang lahi ang aming mga kasama sa trabaho. Mayroong taga-India, Egypt, Sudan at Pakistan.
Madalas kaming mag-chat ng aking pinsan gamit ang sariling mga laptop. Dito ko madalas maka-chat ang aking pamilya sa tuwing nami-miss ko sila. Mas lalo na ngayon mayroon nang Skype kung saan mas malinaw at mas mabilis ang pakikipag-chat gamit ang webcam. Nakakamiss ang aking pamilya sa tuwing ka-chat ko sila. Mahirap ang buhay na mawalay sa mga minamahal.
Dito ko nadiskubre ang ilang mga chat sites maliban sa Skype kung saan madami akong nakikilalang mga dalaga sa iba’t ibang dako ng mundo. Madalas akong may nakaka-chat na kapwa OFW din. Nasa Dubai, Bahrain at mayroon pa sa Italy. Ngunit maski na nakakausap ko sila ng madalas ay ‘di ko ipinagtatago na ako ay may asawa na. Mga kaibigan lamang sila. Mahalaga sa akin ang aking pamilya.
Sa tuwing nakikipagchat ako ay isinasara ko ang kurtina o tabing sa aking puwesto sa double deck upang hindi ako makita ni kuya Roco. Nahihiya ako baka mahuli niya ako. Mahirap na kapag naughty ang usapan sa chat. Alam ko na abala din si kuya sa kanyang laptop lalo na sa bandang gabi na.
Dalawang buwan pa ang lumipas at ako ay talaga nga namang dinadatnan na ng matinding pananabik sa sex. Mahirap nga ang buhay Saudi kapag sexual ang usapan dahil walang makakapiling dito.
May mga usap-usapan dito sa amin-amin lamang na mga pinoy na madami raw binabae dito sa Saudi na makikilala. May karanasan na rin ako noong high school at college sa mga bakla. Mga mukhang babae talaga. Magaganda at kutis diyosa talaga. Ngunit wala naman akong nakikilala pa dito sa Saudi. Kung mayroon man siguro sa kanila ay nagkikilos lalaki sila. Istrikto ang Saudi tungkol sa mga bagay na ito.
Nag-usap kami minsan ni kuya Roco sa bagay na iyan. Natatawa si kuya sa topic.
“Kuya sa tagal mo ba dito sa Saudi, pumatol ka na ba sa ano… alam mo na?” tanong ko sa kanya.
“Madami ka pang malalamang madidilim na sekreto tungkol sa buhay dito, mae-engkwentro mo din yan balang araw," pag-iiwas niyang sabi.
Lumalayo man kami sa nais kong pag-usapan, alam na ni kuya Roco kung ano ang ibig kong malaman pa.
Sampung taon nang mahigit si kuya Roco dito sa Saudi. Tulad ko, tiyak na nararanasan din niya ang pananabik sa sex.
“Makipag-chat ka minsan sa Yahoo, makakatulong din ‘yan,” mungkahi niya.
“Nasubukan ko na ‘yan kuya, parang walang saya. ‘Di ako nasisiyahan. Wala pa ring katulad ang alam mo na,” sagot ko.
Alam ni kuya Roco ang aking nararanasang libog. Nakakaranas din siya ng ganyan. Maski sino namang lalaki na mapalayo dito sa Gitnang Silangan ay tatamaan talaga ng matinding pananabik.
Nagkayayaang mag-inuman ang ilan naming mga kasamahan. Lima kaming mga lalaki. May kanya-kanyang pamilya din sa Pilipinas. Mga nasa trenta anyos na sila, ako ang pinakabata. Si Larry. Si Angelo. At si Phillip. PARE ang tawagan namin sa isa’t isa. Alak na ang tawag ay 'sadike' ang nasa gitna ng lamesa. Sinaluhan pa ng pulutan. Karne ng tupa. Ito ang isang pagkakataon kung saan nakaka-miss ang karne ng baboy na ipinagbabawal dito sa Saudi.
Madami ang usap-usapan tungkol sa iba’t ibang bagay. Nakakatuwa. Seryoso. Mga balita sa Pilipinas. Mga kwento sa mga pamilya. Hanggang sa makarating ang usapan sa sex…
Napansin kong humina ang usapan dahil maselang topic ang pinag-uusapan. Alam ng lahat na tago at istrikto ang pananaw o tingin ng mga tao dito tungkol sa sex.
May pinagbubulungan si Larry at Phillip.
“Kaya nga nagpatubo na ako ng bigote eh ha ha ha!” medyo malakas ang pagkakasabi ng isa.
Medyo mahaba-haba na rin ang aking balbas at bigote sa mukha. Nalaman ko sa kalaunan na iyan ang nakagawian dito sa Saudi upang mapagkamalang lalaking-lalaki. Biro nila, kapag wala kang bigote ang tingin sa iyo ng mga Arabo ay binabae.
Ininom ko ang tinagay sa aking alak ni kuya Roco. Abala na siyang nakikipag-kwentuhan kay Angelo. Si Angelo ay tubong Marikina, na aking nalaman nang tinanong ko siya. Sa assembly ng mga makina siya naka-assign tulad ko ngunit sa iba pa ring departamento dahil nga may kalakihan ang aming kumpanya.
Tahimik si Angelo. Hindi siya madaldal. Sumasang-ayon lamang siya sa mga usapan. Hindi humahamon sa kuwentuhan. Nakikinig. Tumatawa. Umiinom ng alak. Nasa pagitan namin siya ni kuya Roco kaya naririnig ko ang kanilang pinagku-kuwentuhan. Sa second floor pa ng building ang kanyang silid, kasama niya doon ang dalawa pang pinoy na wala ngayon dahil may ibang lakad.
Nalaman kong hiwalay sa asawa si Angelo. May isang anak na babae. Pitong taong gulang na. Nasa puder ng babae ang bata. Mga limang taon na rin si Angelo dito sa Saudi. 30 anyos na si Angelo. Tatlong taon ang tanda niya sa akin.
Umaakbay na siya ngayon sa balikat ni kuya Roco dahil may tama na ang alak sa kanya. Tuloy pa rin ang pag-ikot ng baso ngunit ‘di pa ako nahihilo dahil sanay na ako sa inuman. Dala ng hilig ko sa pagkain at pag-inom ng beer o alak ay medyo may kalakihan na ang aking tiyan. Biro nga ni kuya Roco, nagiging tatay na ang hitsura ko.
Alalang-alala ko pa noong bata pa kami ni kuya Roco. Madalas kami noon maglaro sa bukid. Naghahabulan sa mga pilapil, nanghuhuli ng mga tutubi. Minsan nama’y nagpapalipad ng saranggola. Malapit ang aming mga pamilya. Para ko na ring nakatatandang kapatid si kuya Roco. Bunso nga ang turing niya sa akin dahil wala siyang kapatid na lalaki.
Ngayon ay tumanda na rin ang anyo at pagmumukha ni kuya Roco. Tulad ko dahil sa lumaki kami sa bukid ay kayumangging-kayumanggi ang balat namin. Maitim kagaya sa tsokolate ang kutis ni kuya Roco. May malaking balat si kuya sa braso na kitang-kita kapag nakasando siya. ‘Di tulad ko, napanatili niya ang kanyang tiyan gawa ng kanyang kasipagang mag-ehersisyo. Maski na malapit na siya sa 40 ay pantay pa rin ang kanyang tiyan. Matitigas ang kanyang mga braso. Ang taas na 5’11 ay namana niya sa aming pamilya. Mas mababa lang ako ng isang pulgada.
Natapos na ang inuman. Umuwi na si Larry at Phillip sa kani-kanilang mga unit. Naiwan si Angelo upang tumulong na magligpit ng kalat sa napag-inuman namin.
“Ako na magtatapon ng basura,” sabi ko.
Iniwan ko sila sa kuwarto at bumaba sa likod ng building upang magtapon ng basura. Mga alas-nuebe na ng gabi at may kalamigan na ang hangin sa labas. Nagsindi ako ng isang sigarilyo at nagmuni-muni sa ilalim ng puno malapit sa bakod. Mga trenta minutos din akong naglagi sa baba upang magpalamig.
Pagbalik ko sa kuwarto namin ay wala na si Angelo. Naririnig kong naliligo na si kuya Roco sa maliit na banyo. Bubuksan ko na sana ang aking laptop upang makipag-chat muli nang may napansin ako sa kama ni kuya Roco. Ayaw ko na sanang pakialaman ito pero lumapit lang ako dahil may puti sa panyong asul.
Nakakalat ito sa paanan ng kama. Basa ang panyo ng puting bagay na parang uhog ng sipon. Ngunit hindi naman inuubo o sinisipon si kuya Roco. Paglapit ko ay tama nga ang aking hinala na semilya nga ang napunas dito. Malapot pa at amoy na amoy ko ang mala-Clorox nitong singaw.
Katatapos lang kaya ni kuya na magparaos sa sarili? Naiintindihan ko siya dahil sino ba naman ang ‘di lilibugan kapag mag-isa sa gitna ng disyerto. Ako nga rin ay madalas magsariling-sikap. Bumubukas na ang pinto sa banyo kaya lumayo ako papunta sa aking double deck. Kunwari ay nag-aayos ng bedsheet.
“Zaldy, kanina ka pa ba?” Sa gilid ng aking paningin ay bigla niyang itinago ang basang panyo sa ilalim ng unan. Akala niya siguro ay hindi ko ito napansin.
“Kararating lang kuya, si Angelo pala umalis na?” tanong ko.
“Nagpaalam na kanina pa pagkatapos mo bumaba,” madali niyang sagot.
Pagkatapos niyang maligo ay ako naman ang sumunod. Nagpalit ako ng bagong-labang shorts at sando nang ako’y natapos sa banyo. Abala na si kuya Roco sa kanyang laptop. Bumalik na rin ako sa aking double deck, isinara ang tabing at nag-umpisang mag-surf ng mga nakakalibog sa internet.
May bimpo akong pagkatago-tago sa ilalim ng unan na ginagamit ko na pampunas ng aking semilya sa tuwing ako’y nagma-masturbate. Inilabas ko ito upang gamitin sa aking pagbabate.
Oo, aaminin ko mataba ang aking ari. Tatlong pulgada ang lapad nito. Lampas apat na pulgada lamang ang haba nito. Typical na haba ng ari ng mga pinoy, ika nga. Kulay tsokolate ang balat ng aking ari, katulad ng kulay ng aking buong katawan. Kapag ito ay tigas na tigas ay lumalaki ang mga ugat sa kahabaan nito. Makapal din ang aking bulbol. Madalas na pawisan ang aking singit dahil makakapal ang buhok dito. Alagang-alaga ang aking manoy sa madalas na paghuhugas at paglilinis. Gusto kong palaging mabango ang aking pagkalalaki.
Sumilip ako sa gilid ng tabing upang sulyapan si kuya Roco. Abalang-abala siya sa sariling mundo. Inumpisahan ko nang magpaligaya sa sarili gamit ang aking kaliwang kamay. Oo, kaliwete ako. Sari-saring nakakalibog na imahe ang tumatakbo sa utak ko. Kasabay pa ang ilang mga larawan sa laptop sa aking pagsasariling-sikap. Napalapit na sa akin si maryang palad mula nang napadpad ako dito sa Gitnang Silangan. Kailangan ko ito upang maging matino ang pag-iisip. Tao lamang ako na nakakaramdam din ng init at libog.
Sa tuwing nilalabasan ako, pansin kong malapot ang aking semilya. Minsan lumilipas ang tatlong araw bago ako magbate na naman. Naiipon ang gatas sa loob ng aking mga itlog. Puting-puti ang lumalabas na likido mula sa aking sandata, malagkit maski na ilang minuto na itong naiputok.
Napalakas yata ang pagtaas ko ng aking shorts. May masiglang tunog na nagmula sa garter nang inangat ko ang aking balakang. Sumilip ako sa labas ng tabing upang sulyapan muli si kuya Roco. Nakaupo na siya, nakatingin sa aking direksiyon. Biglang namula ang aking mga pisngi.
“O akala ko nag-cha-chat ka,” sabi ko sa gitna ng aking pagkahiya.
Na-aninag kaya ni kuya Roco ang pagtaas-baba ng aking kamay sa loob ng tabing? Alam kaya niya na katatapos ko lang na magbate?
Tumayo siya at nagtimpla ng kape. Kape at gatas na nakasanayan niyang inumin bago matulog.
“Mas lalo kang iitim niyan kuya dahil sa kape,” biro ko.
“Balak ko sanang tumawag sa Pinas,” sabi niya.
Matagal-tagal na ring ‘di ko naririnig ang boses ng aking mga anak at ng aking maybahay. Kumusta na kaya ang aking anak na lalaki? Naglalakad na kaya siya? Hanggang sa mga larawan ko na lang sila nasusubaybayan. Konting sakripisyo pa, sabi ko sa sarili…
Makalipas ng dalawang linggo pagkatapos kong mag-overtime mula sa trabaho, nasalubong ko si Angelo. Galing siya sa kabilang dulo ng building, nakikipag-inuman daw muli.
“Musta na pre,” sabay tapik sa kanyang balikat.
“Habol ka pa, may inuman kina Jopet,” sabi ni Angelo.
Magkasing-tangkad lang kami. Mahilig pumorma. Bago pa ang kanyang sapatos. Suot niya ay polong kulay maroon. May kuwelyo. Hindi ito naka-tuck-in sa kanyang suot na maong.
“Ligo muna ako, amoy pawis ako,” sabi ko.
Tumungo na ako sa direksiyon ng aming unit.
“Andon na ba si kuya Roco?” tanong ko sa kanya.
“Oo kanina pa, hinihintay ka nga.”
“O ba’t ikaw, aalis ka na ba?”
“Kukuha lang ng baraha sa kuwarto,” sabi niya.
“May baraha sa amin, hiramin mo na lang, magsusugalan ba?” tanong ko.
“Ha ha baka mahuli, laro laro lang,” ngiti niya.
Pumasok kami sa aking silid at hinanap ko ang baraha sa drawer malapit sa aking kama. Iniabot ko ito sa kanya.
“Ligo muna ako, susunod na lang,” pamamaalam ko.
Kumuha ako ng brief, shorts at t-shirt sa loob ng cabinet, shampoo at sabon.
“Hintayin na lang kita, sabay na tayong pumunta doon,” mungkahi niya.
Umupo siya sa kama ni kuya Roco at nag-umpisang maglaro ng solitaryo.
“Bahala ka, inom ka muna ng Coke sa ref,” alok ko sa kanya.
Ang ref ay malapit sa pintuan ng banyo. Dahil sa kwarto ng mga lalaki ang unit namin, halos walang regular na ayos ang mga kasangkapan sa loob.
Naligo ako ng mga sampung minuto. Kay sarap ng patak ng tubig sa aking katawan. Kay bango ng sabon na aking pinanglilinis sa katawan. Amoy malinis. Amoy maginhawa. Amoy masigla. Pabugso-bugso ang patak ng tubig sa shower. Mukhang mahina na naman ang daloy ng tubig sa loob ng mga tubo. Madalas ito na mangyari, sabi ni kuya Roco. Hanggang ngayon ay ‘di pa naaayos ang problema sa aming banyo.
Na-realize ko na nakalimutan ko pala na magdala ng tuwalya sa loob ng shower. Dagli akong lumabas at sumilip sa pinto.
“Pre? Pakiabot naman ‘yung brown na tuwalya nakasabit sa tabi ng kama,” natatawa ako sa aking pagkakalimot.
Basang-basa ang sahig sa banyo gawa ng tulo ng tubig mula sa aking katawan. Mga limang pulgada ang awang ng pagkakabukas ng pinto. Nang iniabot ni Angelo sa akin ang tuwalya ay ‘di niya maiwasang hindi makita ang hubo’t hubad kong katawan.
Nasilayan ni Angelo ang nakaharap kong katawan, basang-basa. ‘Di ko nahuli kung saan siya nakatingin nang iniaabot niya ang tuwalya dahil sa pagmamadali kong magpunas.
Nagpunas ako ng buhok at balikat at humarap sa salamin. Nakalimutan kong isara ang pinto. Nang tumingin ako sa salamin, napansin kong nasa may pintuan pa rin si Angelo. Nang magtapat ang aming mga mata, bigla siyang lumayo at bumalik sa mga baraha.
Napaisip ako dahil sa pangyayari. Bakit kaya nanatili si Angelo sa may pintuan? Sinisilipan kaya niya ako? Nakita kaya niya ang malambot kong alaga? May namumuong pagdududa sa aking loob? Ano kaya siya? Hindi ko mabigkas ang tawag?
Natandaan ko ang pagkamalapit ni Angelo at ni kuya Roco noong nag-iinuman kami. Bumalik muli ang aking alaala sa panyo na may semilya. Ano ba ang pagkatao ni Angelo? Nahihiya akong tanungin siya?
Sabay kaming sumalo sa mga nag-iinuman sa unit nila Jopet. Maski na nakikipag-inuman na ako ay bumabalik minsan ang aking isipan sa nangyari kanina? Mababalewala ko iyon ngunit gusto kong tuklasin ang kasagutan? Nahihiya din akong tanungin si kuya Roco tungkol kay Angelo.
Bumabagabag sa akin ang pagkatao ni Angelo. Siya kaya ay katulad ng mga pinag-uusapan nila na silahis? May asawa si Angelo, may anak, lalaki kung kumilos. May namamagitan kaya sa kanila ni kuya Roco? Balak kong tuklasin ang laman ng baul. Makasalanang baul. Gagawa ako ng paraan upang mabigyan ko ng mga kasagutan ang mga tanong sa aking isipan.
-Itutuloy-





































