Wednesday, 27 February 2013

ZALDY SA GITNANG SILANGAN (Part 10)



Sa sobrang busy sa trabaho sa mga sumunod na araw at linggo, hindi ko masyadong dinibdib na nalaman kong gumagawa ng ganoong makamundong gawain si kuya Roco… ang magbigay ng kaligayahan sa kapwa lalaki. Kailangang kumayod dahil medyo nahihirapan ngayon ang aking maybahay sa gastusin sa bahay sa Pilipinas.

Nag-usap kami ng dalawang beses sa Skype nitong nakaraang Linggo. Kinukumusta niya si pinsang Roco. Sabi ko, mabuti naman siya, masigla at masaya siya dito sa Saudi.

Si Kuya Roco. Akala niya siguro hindi ko alam ang kanyang tinatagong sekreto. Dumaan ang mga araw na tulad ng dati. Trabaho. Bahay. Kain. Tulog. Dumaan na ang tag-init. Sa susunod na linggo, Oktubre na. Tatanda na naman ako ng isang taon. Ilang buwan pa, tag-lamig na dito sa Saudi.

Habang ako ay papalabas ng building, nakita ko si pareng Angelo. Kumakaway habang pababa sa hagdanan. Nagmamadali. Hintay, sabi ko. Ngunit pagkababa ko, nakalabas na ng gate. Aabangan ko na lang muli. Mag-isa tuloy akong tumambay sa may puno sa likod ng complex upang magsayang ng oras.

Sabado ngayon. Half-day si kuya Roco sa trabaho.Nagkataong off ko. 
Mamayang alas-kwatro ay dadating na si kuya. Tatlong linggo pa, birthday ko na muli. Konting salo-salo lang ang plano namin. Sabi ni kuya, maghahanda lang kami ng konti tapos kasiyahan na sa loob ng maliit naming unit. Karaoke. Kung may lulusot mang alak ‘sadike’ eh di suwerte. Sabi ni Angelo, magdadala ng CD na panonoorin para sa mga bisita. Pinoy na pelikula… action at comedy.

Mag-iisang linggo na yatang hindi ako nagtitikol. Bigla tuloy akong dinatnan ng matinding libog. Wala ang mga kaibigan kong makakatulong sa akin. Malamang, magsasarili na naman ako. Kinamot ko ang aking harapan at bumukol pakaliwa ang aking sensitibong ari.

Habang kaya ko pang maglakad nang maayos bago tuluyang tumigas na ng todo ang aking ari, bumalik na ako sa aming unit at nag-isip na mag-surf sa internet… mga hubad na babae at mga triple X na palabas sa isang sikat na video streaming website.

Nagbihis ako ng suot pambahay. Faded na t-shirt at short pants na ginagamit kong pambasketball. Hindi na ako nagsuot pa ng brief upang mas malaya ang aking alaga na ngayo’y nasasabik na majakol.

Isang oras akong nanood ng mga nakakalibog na palabas sa internet. Mabilis ngayon ang connection kaya tuloy-tuloy ang streaming ng mga videos.

Humiga ako sa aking kama sa double deck at inumpisahang haplusin ang aking nag-iinit na katawan. Sumisingaw sa aking balat ang libog na naipon sa mga nakaraang araw. Hinubo ko ang suot na sando at dahan-dahan kong kinikiliti ang aking sensitibong mga utong.

“Aaah,” nagpalaya ako ng isang matunog na hiyaw tanda ng aking nag-aalab na libog.

Ibinaba ko ang aking suot na shorts at inihagis sa may paanan ng double deck. Ibinuka ko ang aking mga hita at inumpisahan kong kili-kilitiin ang aking singit.

Napapikit ako sa sensasyong nadarama sa aking maselang bahagi. Ini-imagine ko na chinuchupa ako. Masikip na bibig na nakabalot sa puno ng aking pagkalalaki.

Pumipintig sa sobrang libog ang aking malapad na ari. Sabik na sabik na ito na madampihan muli ng isang mainit na dila… isang mapaglaro at malikot na dila. Kumislap sa dulo ng ulo ang malapot na precum… sana may titikim sa aking pinalayang likido…

Hindi ako tumigil at ibinaling ko ang atensyon ng aking paghaplos sa aking mga biluging itlog. Napaangat ang aking binti nang kilitiin ko ang balat na bumabalot sa aking bayag.

“Aahhh, ang sarap,” bulong ko sa sarili.

Binaybay ng aking mga daliri ang kulubot ng balat at kapal ng buhok dito. Nasagi ng aking isang kamay ang butas ng aking puwet. Bumaba ang mga daliri at pinaikot-ikot ko ang dampi ng mga ito.

“Oooh, nakakamiss…” pikit ng aking mga mata.

Naalala ko tuloy noong dinilaan ni pareng Angelo ang aking maselang tumbong. Tila ngayon ay hinahanap-hanap ko ang nguso ni Angelo. Kay sarap ng magkahalong sensasyon na dala ng nababayo ng ari at nadidilaan sa puwet.

Pinagpatuloy ko at pagpapaligaya sa aking sarili. Ibinalot ko ang aking mga daliri sa katabahan ng aking ari. Makapal nga ang aking titi. Halos hindi mag-abot ang mga daliri sa lapad nito. Maitim ang balat. Mapula-pula ang ulo. Maugat sa may gilid nito. At mabuhok sa paligid-ligid.

Taas-baba. Umiinit ang aking sentido sa dama ng panahon. Nakatutok sa screen ng laptop ang aking mga mata sa larawan ng isang hubad na babae.

“Ooh sabik na ako talaga…” bulong ko muli.

Unti-unti nang napupuno ang aking tubo sa sarap ng aking pagjajakol. Malapit na akong lalabasan. Konting imahinasyon pa at bilis ng ritmo ng pagtaas-baba… ohhh kay sarap magbate …

Sa gitna ng aking deliryo ay hindi ko namalayan ang tunog ng susi sa pintuan…

PUMASOK SI KUYA ROCO SA AMING UNIT!

Napatigil ako sa aking ginagawa. Para akong estatwa na namumula sa pagkakahuli sa akto. Si Kuya Roco, namumula din sa hiya. Tumayo lamang siya sa may pintuan ng ilang sandali. Hindi niya alam ang susunod na galaw.

“Kuya ah e…” napakamot ako sa batok. Parang kamatis sa pula ang aking mukha. Dahil din sa hiya, dumiretso na lang siya sa maliit na kusina ng unit.

Tumayo ako at hinanap ang aking shorts na inihagis ko sa dulo ng double deck. Tumuwad ako dahil sa may sulok ito bumagsak. Pagkatayo ko… bumalik si kuya mula sa kusina…

“Sensya na, pumasok ako, wrong timing…” namumula pa rin ang kanyang mga pisngi.

Maski na ngayon, nakatirik pa rin papaitaas ang aking mainit na ari. Napasulyap si kuya sa aking ari nang ako ay humarap sa kanya. Hindi ko alam ang una kong sasabihin…

Isinuot ko ang shorts maski na tayong-tayo pa rin ang aking alaga sa loob nito. Bigla akong nakaramdam ng hiya…

“Relax lang… ginagawa ko din ‘yan…” sabay tapik sa aking balikat.

Lumapit siya sa akin. Napangiti siya.

“Parang hindi naman kita nakababatang pinsan… normal lang ‘yan na ginagawa ng mga lalaki… lalo nandito tayo sa Saudi…” malumanay niyang sabi.

“Libog na libog ako kuya eh…” sagot ko.

“Ituloy mo mamayang gabi bago matulog he he, ngayon magluto muna tayo ng hapunan dahil ako’y nagugutom na…”

“Ako na kuya, plano ko ngang magluto na eh, hindi ko namalayan ang oras!”

“O sige ligo na muna ako, medyo amoy pawis na ako…” kumuha siya ng tuwalya sa kanyang aparador at tumungong banyo.

Medyo nawala na ang aking hiya nang kami ay kumakain ng hapunan. Tila wala na nga sa aking isip. Kung hindi lang niya binuksan uli ang topic tungkol sa sex…

“Kung gusto mo imbitahin natin si pareng Angelo, gawin uli natin iyong tatlo tayo…” sabi ni kuya Roco.

“Wala siya ngayon, umalis, nagmamadali nga kanina nang lumabas ako sa likuran ng compound,” sagot ko.

Bigla kong naalala si Dondon. Hindi pa alam ni kuya Roco ang karanasan ko kay Dondon…

“Kuya may ipagtatapat ako, ‘wag ka magugulat ha…” banayad kong sabi.
Napatingin lang siya sa akin.

“May nangyari sa aming dalawa ni pareng Dondon… chinupa niya ako sa loob ng kanilang unit…” hindi nagpalit ang ekspresyon ng mukha ni kuya.

“Kailan nangyari?” nakatingin pa rin siya sa akin.

“Medyo matagal na… isang buwan na yata ang nakakalipas…” pagpapatuloy ko.

Ngumunguya lang si kuya sa kanyang kinakain. Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Tila may iniisip…

“Magaling ba siya?” tanong niya.

“Ok lang naman… mas magaling siyempre si pareng Angelo…” pagkumpara ko.

“Text ko nga siya ha ha…” pabiro niyang sabi.

Niyaya ni kuya si pareng Dondon na sumalo sa konting inuman dito sa aming unit. May nakuha si kuya na sadike na patagong nakuha ni pareng Jopet sa ‘di kilalang tao. Mahirap na baka magkahulian… madami nang nakukulong sa illegal na paggawa ng alak.

“Libog na libog ako… pagod sa trabaho…” pag-aamin niya.

Gusto ko din sanang aminin sa kanya… naiintindihan ko ang kanyang nararamdaman.

Dumaan ang kalahating oras at hindi nag-text back si pareng Dondon. Malamang wala siya sa kanilang unit sa taas.

“Labas lang ako sa likod ng building, magyoyosi…” pamamaalam ko kay kuya Roco.

“Itapon mo na rin itong basura natin sa likod,” inabot ni kuya ang malaking itim na plastic na supot. May malaking garbage bin sa likod ng apartment complex kung saan namin binabagsak ang mga basura. Linggo-linggo kinokolekta ang mga basura dito sa aming lugar. Kada Linggo.

Nagyosi ako ng halos kalahating oras sa likod ng complex ngunit wala akong kasama sa ilalim ng puno. Madilim na ang paligid at nagpasya na akong bumalik na lang sa unit at manood ng TV.

Papalabas at patungo sa tambayan si pareng Jopet. Nasalubong ko siya pagliko sa may hagdanan pataas sa mga unit.

“Uy ‘musta ‘pre?” sabay tapik sa aking balikat.

“Wala bang jamming sa inyo?” tanong ko sa kanya. Nagbabasakali…

“Wala nga eh, wala ako kasama sa unit, kaya nag-isip na lumabas sandali magyoyosi…” tumungo sa may puno kung saan ako madalas magsayang ng oras.

Nag-offer siya ng isa pang sigarilyo habang sinisindihan niya ang kanya. Tahimik lamang kami habang umiiksi ang sigarilyo… bumabagsak ang abo sa kakaunting damo na nakatubo sa tigang na lupa.

“Tara sa unit, wala ako kasama…” sabi ni Jopet.

“May mga CD ka ba na mapapanood?” tanong ko.

“May action… pero napanood ko na…” sagot niya.

Umakyat kami sa kanilang unit. Lalaki si pareng Jopet, kita ko sa kanyang kilos. Kasin-tangkad ko si pareng Jopet, halos magkapareha ang hubog ng aming katawan. Dahil sa hilig uminom, medyo malaki din ang kanyang tiyan, tulad ko.

“Wala ka bang pampainit diyan?” pilyo ang aking tanong.

“’La eh, buksan mo laptop madami sa net, kung gusto mo magparaos ka sa harap ng computer ha ha…” sagot niya.

“Kinakalyo na nga palad ko e sa pagbabate…” pangiti kong sabi.

Hindi siya sumagot. Alam ni pareng Jopet ito, dahil tiyak ko dinadatnan din siya ng libog… lalo na mag-isa din siya dito sa Saudi at malayo sa kanyang asawa.

“Mamaya na lang bago ako matulog ha ha,” nahihiyang sagot ko.

“May sasabihin ako, sana ‘wag mong masamain…” bulong niya sa akin.

“Ha? Ano ‘yon pre?” biglang naintriga ako sa kanyang sasabihin.

“Si kuya Roco mo… may pagkasilahis ba siya?” mas lalong humina ang kanyang boses, parang ayaw niyang marinig ng iba… eh kami lamang dalawa sa loob ng kanilang unit.

Nag-aalangan kong sagot,” ewan ko, bakit mo natanong?”

“’Wag na ‘pre he he…” tumalikod siya at umupo sa malaking sofa sa gitna ng kanilang sala.

“Eto naman, sa ating dalawa lang…” tumabi ako upang marinig ko ng mas malinaw.

“Kasi noong minsan… ‘di naman niya siguro sinasadya pero parang natsansingan ako ng kuya Roco mo…” nakatingin si pareng Jopet sa aking mukha sa anumang reaksiyon.

“Nakapa ba niya ano mo?” tanong ko muli.

“Oo medyo nagtagal nga eh, sa totoo lang ‘di naman ako nailang sa pagdampi ng kanyang palad… sa katotohanan nga eh medyo tinigasan ako…” nakita kong nakangisi ang kanyang mukha.

‘Di ko alam isasagot ko kay pareng Jopet. Alam ko ang tinatagong sekreto ni kuya Roco ngunit ayaw kong ipagtapat ito sa kahit kanino.

“Hindi ka ba ginagapangan ng pinsan mo ‘pag natutulog ka?” pilyo niyang tanong.

“Hindi ah ha ha…” bigla kong sagot ngunit sa loob-loob ko may nabuo akong kapilyuhan… “ngunit kong sakaling gagawin niya iyon sa akin… hahayaan ko na lang, total nakaka-miss ang mahalikan sa alam mo na ha ha!”

Kung hinahanap iyon ni kuya Roco, mas mabuti na rin na tulungan ko siya upang mabigyang lunas ang kanyang hilig sa pagpapaligaya sa kapwa lalaki.

“Ako nga din pare name-miss ko na machupa,” sabay siko sa akin.

“Wala naman sigurong masama kong pagbibigyan mo pinsan ko… balita ko marunong talaga magpaligaya ang alam mo na…” sagot ko.

Hindi siya sumagot. Kung may pagkakataon siguro bibigay siya sa kanyang nararamdamang libog.

“Minsan magyaya kang mag-inuman o maski konting salo-salo… tayong tatlo… ako na mismo ang gagawa ng paraan ha ha,” sabi ko muli.

“May konti pa namang sadike diyan, kung gusto mo inuman sa inyong unit tutal Sabado naman ngayon…” anyaya niya.

“Naku magugustuhuan ‘yan ni kuya… kanina pa naghahanap ng kainuman,” tumayo na ako upang umalis.

Sumunod si pareng Jopet makalipas ng ilang sandali. Kinuha niya ang alak na pagkatago-tago sa likod ng kuwarto.

Umakbay siya sa aking balikat habang papababa kami sa palapag ng aking unit.

-Itutuloy-













No comments:

Post a Comment